Ikinakasa na ng Department of Energy ang pag-aangkat ng mas murang diesel mula sa mga bansang hindi miyembro ng Organization of Oil Exporting Countries.
Ito’y ayon sa DOE ay para maibsan ang kalbaryo ng mga motorista gayundin ng mga nasa sektor ng transportasyon sa napakataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa DOE, target nilang maibalik sa 34 hanggang 36 na Piso ang presyo ng kada litro ng diesel na pangangasiwaan naman ng Philippine National Oil Company.
Titiyakin din ng kagarawan na maibebenta sa tamang presyo ang pagbebenta ng malalaking kumpaniya ng langis upang lalong pakinabangan iyon ng mga kinauukulang benepisyaryo.