Posibleng ipasuspinde ng Department Of Energy o DOE ang pagpapataw ng VAT sa mga produktong petrolyo.
Ito’y bilang tugon sa panawagan ng ilang grupo at drayber sa tuloy- tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, naghahanap pa umano ng probisyon ang ahensya para mpahintulutan silang magawa ang pagsuspindi ng excise tax o VAT.
Sa kabilang dako, iminungkahi naman ni Sen. Imee Marcos na kung maaari ay ipatupad lamang ang nasabing suspensyon ng vat sa mga pampublikong transportasyon, jeep at tricycle.
Dagdag pa ni Marcos, hindi na kakailanganin pa ng ano mang hakbang mula sa lehislatura ang pagsuspinde ng excise tax at vat dahil nasa hurisdiksyon na ito ng ehekutibo.