Tiniyak ni Department of Energy (DOE) Usec. Wimpy Fuentebella na mayroong sapat na suplay ng kuryente ang bansa sa pagpasok ng tag-init.
Ayon kay Fuentebella, nakatakdang magbukas ang power plant ng San Miguel sa Limay, Bataan sa Abril hanggang Mayo at maaari itong magbigay ng 300 megawatts, bukod pa sa ipatutupad na ILP o Interruptible Load Program kung saan kusang bibitiw sa main grid at gagamit ng generator ang malalaking consumers katulad ng mall.
Kanila rin aniyang inaayos ang iskedyul sa maintenance shutdown ng dalawampung (20) planta sa pagitan ng Abril 22 hanggang Hunyo 10, upang maiwasan ang hindi inaasahang power interruption.
By Katrina Valle