Sapat ang suplay ng kuryente sa susunod na 3 hanggang 4 na taon.
Ipinabatid ito ni Energy Secretary Jericho Petilla sa isinagawang general assembly ng Central Pangasinan Electric Cooperative at ceremonial switch-on para sa pagkakaroon ng kuryente ng mga sitio sa Pangasinan.
Ayon kay Petilla, tatagal ng 4 hanggang 5 taon ang pagtatayo ng power plant at wala pa aniyang bibili kung magpapatayo ng planta ngayon na gagamitin para sa 2030.
Sinabi ni Petilla na 66 na power plant ang itinayo subalit ang power supply ay naka-depende sa dalawang factors: ang gamit sa residential at industrial.
By Judith Larino