Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na kanilang maibabalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao kabilang na ang sa Southern Cebu, Southern Leyte, Northern Mindanao, at Palawan.
Ayon sa National Electrification Administration, winasak ng bagyo ang nasa mahigit isang bilyong halaga ng assets ng electric cooperatives habang aabot naman sa 3.9 million na kabahayan ang apektado.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, pipilitin nilang matapos ang naturang proyekto bago sumapit ang may 2022 national and local elections.
Sinabi ni Fuentebella na padami na ng padami ang mga nais tumulong upang mas mapabilis ang pagbabalik sa mga transmission line na hinagupit ng bagyo.
Sa ngayon, mula sa isanlibo at apat na raan, umabot na sa dalawanlibong volunteers ang naitala ngayon lamang kapaskohan habang ang serbisyo sa 40% o 1.5 million na kabahayan naman ay naibalik na.– Sa panulat ni Angelica Doctolero