Tiniyak ng Dept of Energy ang tuloy tuloy na suplay ng kuryente sa mga lugar kung saan gaganapin ang events ng Southeast Asian Games.
Sa harap ito ng ipinatupad na yellow alert sa Luzon grid dahil sa biglaang pagpalya ng 5 planta at matapyasan ng 996 megawatt ang buong Luzon grid.
Nadagdagan pa ang pumalyang mga planta matapos na bumagsak rin ang san Buenaventura power at madagdagan ng 450 megawatts ang natapyas na suplay sa Luzon grid.
Sinabi ni Energy Secretary Wimpy Fuentebella na walang dapat ipag alala dahil kumpleto naman ang mga generators sa mga venue ng SEA Games.