Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na hindi magkakaroon ng power outage sa May 13 midterm elections.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ini-ulat ng DOE sa Malakanyang na may ilang bagong power sources ang pasisinayaan kaya’t kampante ang kagawaran na walang aberyang mararanasan sa mismong araw ng halalan.
Sinilip na rin anya ng mga miyembro ng gabinete noong isang linggo ang power situation matapos umabot sa red alert ang status ng Luzon grid dahil sa kakulangan ng power supply.
Bagaman maraming naka-linyang power generation projects, sadyang bumigay ang sual na isa sa apat na malaking planta sa luzon kaya’t nagkaroon ng kakulangan sa kuryente.