Tiniyak ng Department of Energy (DOE) sa publiko na walang magaganap na rotational brownout sa 2022 National Elections.
Ayon kay Energy Undersecretary at Spokesperson Felix William Fuentebella batay sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang power reserves at hindi power supply ang inaasahang ninipis sa summer period sa susunod na taon.
Mas mataas aniya ang demand ng kuryente sa panahong yan partikular sa Mayo 19 hanggang 23 dahil sa kakulangan ng tubig sa hydro plants.
Sinabi ni Fuentebella na kahit manipis ang power reserves, mataas pa rin ito sa yellow line na nangangahulugan ng sapat na supply, walang yellow alert at walang interruption.