Walang rotational brownout na magaganap ngayong summer.
Batay sa monitoring ng Department of Energy (DOE) Luzon Field Office, mayroong 1,500 megawatts reserve sa Luzon area.
Tiniyak ng DOE na patuloy ang kanilang monitoring at pakikipag-ugnayan sa ibang power plants upang malaman kung mayroong naka-schedule na preventive maintenance para maabisuhan ang publiko.
PECO pa-iimbestigahan sa Kamara
Nais paimbestigahan sa Kamara ang umano’y anomalya sa billing ng PECO o Panay Electric Company.
Ayon kay City Councilor Joshua Alim, ito’y bunsod ng walang katapusang reklamo sa paniningil ng PECO, partikular ang hindi tamang meter-reading na sanhi ng paglobo ng binabayarang electric bill.
Malapit na aniyang mag-renew ng prangkisa ang PECO kaya napapanahon ang pag-iimbestiga rito.
Idinagdag pa ni Alim na mistulang binabalewala ng PECO ang reklamo ng kanilang mga consumer kaya dapat na ma-review ang prangkisa ng nasabing electric company.
By Meann Tanbio