Naniniwala si dating Finance Secretary Carlos Dominguez, III sa kakayahan ng bagong talagang Department of Finance Chief na si Benjamin Diokno.
Sinabi ni Dominguez na best possible choice umano si Diokno sa pwesto dahil sa taglay nitong galing, insights at dedikasyon sa trabaho.
Ani Dominguez na hindi lamang mabigat na responsibilidad ang kanyang iiwan kay Diokno maging ang mga talentadong staff ng kagawaran.
Ang DOF aniya, ay isang departamento ng gobyerno na walang pagod na nagtatrabaho para sa reporma upang ihanda ang Pilipinas sa bagong ekonomiya
Ipinabatid pa ni Dominguez na dapat ihanda ni Diokno ang kanyang stamina at sarili sa 24/7 na trabaho.