Magdo-doble kayod ang Department of Finance (DOF) para makabawi ang ekonomiya ng bansa sa nalalabing buwan ng Administrasyong Duterte.
Tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang target nilang mabilis na mapalago ang ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Dominguez na hindi magiging sagabal ang election season sa adhikain nilang bumuo ng isang Comprehensive Fiscal Consolidation Plan para ibalik ang aniya’y high growth trajectory ng bansa.
Magugunitang 2021 nang pumalo sa 5 porsyento ang itinaas ng koleksyon sa buwis kumpara noong 2020 habang tumaas din ang naitalang merchandise trade at remittances kumpara nuong pre-pandemic level.