Mariing itinanggi ng Department of Finance na ginawang kolateral ng pamahalaan ang teritoryo ang Pilipinas sa pangungutang nito pambili ng bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Finance Undersecretary Mark Dennis Joven, walang anumang naging kasunduan hinggil sa pagkakaroon ng kolateral para sa pangungutang na pinasok ng gobyerno.
Batay sa datos ng ahensya, nasa P70 bilyong ang ipangungutang ng gobyerno mula sa mga dayuhang creditor na makatutulong para mabuo ang kailangang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine