Kumbinsido ang Deparment of Finance (DOF) na maraming Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operators ang hindi nagbabayd ng buwis.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, kumikilos na ahensya upang imbestigahan ang mga POGO na nag o-operate na kahit hindi pa nagbabayd ng kanilang buwis.
Matatandaan na isa sa requirement upang makabalik sa operasyon ang POGO ay ang magbayad ng buwis.
Matatandaan na ibinunyag ni Senador Joel Villanueva na dalawang pogo pa lamang ang nagbabayad ng kanilang buwis subalit marami na ang nagbalik operasyon simula nuong mayo.
Samantala, sinabi Dominguez na sa kanilang pagtaya, dapat ay aabot sa dalawampung bilyon ang kita ng pamahalaan sa POGO operations.
Gyunman, nuong 2019, nas P6-Blamang anya ang kanilang nakolekta at P1-B lamang nuong 2018.