Kumilos na ang Department of Finance (DOF) para ibalik sa kaban ng bayan ang P33.4 billion na nakagarahe sa Philippine International Trading Corporation (PITC).
Ayon ito kay Senate Minority Floorleader Franklin Drilon batay sa kopya ng liham na ipinadala ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Budget Secretary Wendel Avisado.
Nakasaad sa liham ang kautusan ni Dominguez kay avisado na irekomenda sa Pangulong Rodrigo Duterte na mag isyu ng direktiba para sa agarang pagbalik ng naturang pondo sa national treasury.
Sinabi ni DRILOn na natutuwa siya at kumilos kaagad ang DOF sa nasabing usapin dahil ang malaking pondong naka-park lamang sa PITC ay magagamit sa pagbili ng bakuna at iba pang mahahalagang programa.
Una nang inihayag ni Drilon na ginagawang imbakan ang PITC ng mga ahenysa ng gobyerno para makaiwas sa obligasyon na ibalik ang hindi nagastos na pondo sa kaban ng bayan. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)