Naniniwala ang isang opisyal ng Department of Finance (DOF) na posible ang layunin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Na iahon ang walong milyong Pilipino mula sa kahirapan pagsapit ng 2028.
Ayon kay Finance Undersecretary Domini Velasquez, “on track” Ang administrasyon ni Pangulong Marcos na makamit ang target nitong single-digit poverty rate dahil sa malakas na economic performance ng bansa.
Isa sa economic indicators na nagpapatunay umano rito ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa nitong second quarter sa 6.3%, mula sa noo’y 5.8%.
Matatandaang bumaba ang antas ng kahirapan sa bansa sa 15.5% noong 2023. Nangangahulugan itong 2.5 milyong pilipino ang naiahon na sa kahirapan at 10.9% na lamang ang nananatiling mahirap.