Kumpyansa ang Department of Finance na maaaprubahan na ng kongreso ang ilang probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law sa ikatlong quarter ng 2018.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, kabilang sa mga repormang hindi naisama sa kasalukuyang bersyon ng TRAIN law ay ang tax amnesty program, adjustments sa motor vehicle users charge, at pag amiyenda sa bank secrecy law.
Sinabi ni Chua na naisama ito sa orihinal na first package ng tax reforms subalit hindi na umabot at naisama sa pinal na bersyon na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahang makalilikom ng 40 bilyong pisong karagdagang kita para sa pamahalaan ang nasabing mga probisyon na tatawaging package 1-B.