Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatupad ang Department of Finance (DOF) ng mga bagong ideya sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Ralph Recto.
Ayon kay Pangulong Marcos, kumpiyansa siyang makakaisip si Sec. Recto ng mga bagong ideya na kinakailangan upang umunlad ang ekonomiya ng bansa.
Samantala, nilinaw ng Pangulo na mananatili pa rin ang mga polisiya ng DOF sa kabila ng appointment ng bagong kalihim nito.
Matatandaang nanumpa si Sec. Recto bilang bagong Finance chief nitong Biyernes, January 12, kapalit si dating Finance secretary Benjamin Diokno.