May hirit agad ang Department of Finance sa nakatakdang pagbubukas ng 18th Congress.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, sana ay ipagpatuloy ng Senado ang pagbalangkas sa fiscal reforms na magpapaganda sa record ng Pilipinas.
Aniya, ito ang magsisilbing daan upang makakuha ng magandang pagkakataon ang bansa na makuha ang single A grade upang mapalawig ang credit ratings ng bansa sa susunod na dalawang taon.
Sakaling makamit ang single A investment grade credit rating ay lalawak na ang investment na nangangahulugan ng maraming trabaho sa mga manggagawang Filipino.
Makikinabang dito ang pribadong sektor na maglalagay ng investment upang magkaroon ng economic expansion.
Nakatakdang makipagpulong si Dominguez kina Senate President Tito Sotto at iba pang Senador sa muling pagbubukas ng 17th Congress bago ito mag – adjourn.