Sumugod sa tanggapan ng Department of Finance sa Maynila ang mga militanteng grupo upang manawagang alisin ang Value Added Tax (VAT) at ipalit ang wealth tax o ang pagbubuwis sa mga bilyonaryo.
Ayon kay Leody De Guzman, Chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, gagamitin ang wealth tax para sa gastusin at pangangailangan ng bansa at sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
Anila, ito ang nakikita nilang solusyon sa mataas na presyo ng bilihin at petrolyo na lalong nagpapahirap sa mga ordinaryong mamamayan.
Pinaunlakan naman ng DOF si De Guzman para sa 40 minutong dayalogo sa gitna ng kilos protesta.
Nakatakda namang magschedule ng pangalawang dayalogo ang DOF at grupo ng mga manggagawa upang mas komprehensibong mailatag ang mga panawagan ng huli. - sa panunulat ni Hannah Oledan