Pinag aaralan na ng Department of Finance ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa vapes at e cigarettes.
Kasunod na rin ito ng pagpapatupad ng mas mahal na excise tax sa lahat ng produktong sigarilyo.
Batay sa panukala ng DOF, papatawan ng kuwarentay singko pesos na buwis ang vapes para maihalintulad sa ipinapataw na buwis sa isang pakete ng sigarilyo.
Kung hindi magkakaroon ng anumang hadlang ay magiging epektibo ang nasabing bagong buwis sa pagpasok ng taong 2020.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, ang mas mataas na buwis sa vape cartridge, refill, pod, liquid solutions o gel ay batay na rin sa Republic Act 11346.
Pinag aaralan na rin ng DOF ang dagdag excise tax sa alcohol products na mula sa 25 pesos ay magiging 28 pesos hanggang 40 pesos kada litro.
Kabilang sa po pondohan ng dagdag buwis sa mga tinaguriang sin products ay ang mas pinalawak na universal health program ng gobyerno.