Positibo ang Department of Finance (DOF) na magiging maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas pagpasok ng 2019.
Ayon kay Finance Asst. Sec. Tony Lambino, sa 2019 magiging “upper-middle income country” na ang bansa mula sa pagiging “lower-middle income country” nito.
Ibig sabihin ang ekonomiya ng bansa sa kasalukuyang populasyon ay magiging kapantay ng Thailand at China sa kategorya.
Sinabi ni Lambino na malaking ambag sa ekonomiya ang gumagandang koleksyon ng buwis, mga infrastructure projects at agrikultura.
Gayunman tiniyak ng opisyal na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan upang makamit ang target na ‘high income country” ng bansa pagdating ng 2040 kung saan wala ng pamilyang Pilipino ang magugutom pa.