Tiniyak ng Department of Finance o DOF na hindi magkakaroon ng tanggalan sa mga trabaho sa pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ito’y sa gitna ng pangamba na posibleng maraming umalis na investors o kaya ay magbawas ng tao kapag binawasan ng pamahalaan ang natatanggap na incentives ng mga ito tulad ng mas mababang babayarang buwis.
Paliwanag ni Finance Undersecretary Karl Chua, hindi lahat ng insentibo ay tatanggalin ng gobyerno kung hindi ang mga tinatawag lamang na “unnecessary incentives”.
Dagdag pa ni Chua, may mga kumpaniya na higit 15 taon nang tinatanggap ang mga ibinibigay na insentibo ng bansa at tiyak aniyang lumago na ang mga ito kaya’t marapat lamang siguro umanong sila naman ay maging katuwang ng gobyerno.
Ipinabatid ni Chua na nasa 650 kumpaniya ang posibleng mabawasan ng natatanggap na insentibo.
—-