Negatibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o Mers-Cov ang 12 health workers.
Inanunsyo ito ni Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng Department of Health.
Ipinabatid ni Lee Suy na nasa mabuti na ang pakiramdam habang patuloy pa rin na mino-monitor sa research Institute for Tropical Medicine o RITM at San Lazaro Hospital sa loob ng 14 na araw.
Maliban sa naturang mga health workers, nagsimula na rin ang task force Mers-Cov na tuntunin ang iba pang nakasalamuha ng Saudi national, kabilang na ang 55 hospital staff, 15 hotel staff at tatlong funeral parlor workers.
By: Meann Tanbio