Ikinaalarma ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagdami ng mga nadadapuan sa bansa ng HIV-AIDS o Human Immunodeficiency Virus-Acquired Immunodeficiency Syndrome.
Batay sa rekord ng DOH, nakakapagtala ito ng 29 na kaso ng HIV-AIDS bawat araw na karamihan ay mga kabataan.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, mayorya ng mga naitatalang kaso ay may edad sa pagitan ng kinse (15) hanggang bente-kwatro (24).
Mas nakababata ito kumpara sa naitala noong nakalipas na panahon na nasa tatlumpu (30) hanggang 40 taong gulang ang tinamaan ng virus.
Nais ng DOH na mabago ang pagtalakay sa sex at sexual orientation na maaaring makaresolba sa problema kung saan isa sa mga solusyon ay ang planong pamimigay ng condom sa mga estudyante.
By Jelbert Perdez