All systems go na ang Department of Health (DOH) para sa kauna-unahan nitong dengue vaccination program sa Abril.
Target mabakunahan ang mga Grade 4 pupil na nasa 9 hanggang 10 taon sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region; Central Luzon at CALABARZON.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, isasagawa ang libreng vaccination sa loob ng tatlong buwan para sa unang dose.
Sa Oktubre naman anya ibibigay ang second dose habang sa Abril ng susunod na taon ibibiigay ang ikatlong dose upang makumpleto ang anti-dengue vaccine cycle.
By Drew Nacino