Artificial lamang ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang inamin ng Department Of Health sa pagbaba ng COVID cases nsa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, hindi aniya epekto ng Enhanced Community Quarantine o ECQ ang naging epekto ng biglaang pagbaba ng kaso.
Giit ni Vergeire, ito ay dahil hindi pa nag-ooperate ang mahigit 36 na laboratoryo.
Sa ngayon, nananatiling nasa 10 hanggang 11K kaso ang naitatala ng DOH kada linggo.
Bukod dito, sa mga komunidad at work places pa rin ang mga naitatalang matataas na COVID-19 cases kaya hindi dapat aniya makampante.— sa panulat ni Rashid Locsin