“Labis na ang pagkabahala” ng Department of Health sa pag-lapse ng Vape Bill bilang isang batas.
Ito ang inamin ng DOH makaraang ibabala na lalong magiging abot-kamay na ng mga publiko, partikular ng mga kabataan, ang pagbili ng vape at novel tobacco products dahil sa vape law.
Ang nasabing batas ay maaaring magresulta sa mas mataas na bilang ng magkakasakit o mamamatay.
Sa kabila nito, tiniyak ng kagawaran sa publiko na asahan na ang mas mahigpit na implementasyon ng mga umiiral na tobacco prevention at control measures.
Makikipag-tulungan din ang DOH Sa iba pang ahensya ng gobyerno at mga local government unit sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations ng vape law.
Sa ilalim ng naturang batas, maaari nang bumili o gumamit ng e-cigarettes at iba pang vaping products ang mga 18 anyos pataas kumpara.