Aminado ang Department of Health (DOH) na mabagal ang pagpapalabas ng resulta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay DOH undersecretary Ma. Rosario Vergeire, mabagal na encoding ng mga datos at resulta ng COVID-19 tests kaya’t hindi nila agad mabigyan ng clearance ang mga OFWs na nakatapos na ng quarantine upang makauwi na sa kanilang probinsya.
Gayunman, tiniyak ni Vergeire na inaaksyunan na nila ito kasama ang National Taskforce Against COVID-19.
Isa anya sa nakikita nilang solusyon ay pagkuha ng karagdagang mga encoders.