Aminado ang Department of Health (DOH) na matagal nang nangyayari ang mga pekeng claims sa PhilHealth.
Sa katunayan, sinabi ni Health secretary Francisco Duque III na mahigit sa 20,000 na ang naisampa nilang kaso hinggil sa fraudulent claims mula noong 2013.
Ayon kay Duque, ang ganitong klase ng scam o pandaraya ay nangyayari rin sa iba pang health insurance sa buong mundo.
Talagang kahit na anong gawin namin, mukhang talagang meron at merong nangyayari. ‘Yung mga multiple filing of claims, ‘yun bang parehong claim pina-file ng ilang beses para lang makasingin ng mas malaki. Pangalawa, ‘yung tinatawag na ghost patients or phantom claims. Ito na nga ‘yung nangyari sa WellMed Dialysis Center, silang nag-file ng mga case para sa mga pasyenteng di umano’y patay na. Tapos pangatlo ‘yung mga gaining, up casing ng mga ospital na para lang gusting lumaki ang kita ay dinadaya ‘yung sistema,” ani Duque.
Sinabi ni Duque na malinaw na hindi sapat ang ipinatupad nilang safeguards matapos mabunyag ang ghost dialysis sa WellMed Dialysis Center.
Dahil dito, humingi na anya sila ng technical assistance sa Asian Development Bank kung anong modelo ng accreditation sa buong mundo ang pinaka matagumpay.
Which accreditation models are available worldwide na talagang subok na na tagumpay. Para pwede ng gamitin ng PhilHealth. Dito kasi nakikita ko sa nangyari sa accreditation process ang malaking nagka-diperensya. So, ang reporma, ifofocus muna natin, itatarget muna natin ditto sa accreditation process at palagay ko kung maayos ito ay talagang maraming masosolusyonang problema,’ dagdag pa ni Duque.
Ratsada Balita Interview