Nagsanib-puwersa ang Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) para makaiwas ang mga estudyante sa dengue at leptospirosis.
Sa Pangasinan, mamimigay ng treated mosquito nets sa mga paaralan para gawing kurtina.
Pinatitiyak din ng mga opisyal ang paglilinis ng kapaligiran bilang pagsunod sa four o clock habit lalo na pagsapit ng alas-4:00 ng hapon upang maiwasan ang pangingitlog ng mga lamok.
Samantala, tuluy-tuloy naman ang blood letting activities ng Philippine Red Cross sa Pangasinan para sa posibleng dengue victims.
Sinabi ng PRC na kailangan nilang makaipon ng 100 bag ng dugo kada araw bilang paghahanda sa posibleng pag-akyat ng kaso ng dengue.
By Judith Larino