Tiniyak ng Department of Health (DOH) na aalalayan nila ang Department of Education (DepEd) sa pagbabantay sa mga paaralan ngayong ipinatutupad na ang face-to-face classes.
Ayon kay DOH-OIC Maria Rosario Vergiere na tuloy ang koordinasyon para ma-monitor ang kalagayan ng mga bata.
Kasama na rin dito ang pagtugon sa COVID-19 gaya ng pagbabakuna sa mga paaralan.
Sinabi pa ni Vergeire, kung wala pang kapasidad ang mga eskwelahan na magkaroon ng sariling klinika, dapat ay may pakikipag-ugnayan na sa mga rural health unit para tumugon sa mga kaso ng pagkakasakit sa mga paaralan.
previous post