Binigyang diin ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) na maaga pa para masabing naabot na ang peak ng COVID case sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III na nasa acceleration phase pa lamang ang pilipinas sa COVID-19 surge.
Paliwanag ni Duque na kaya lamang mababa ay dahil galing ito sa testing output nuong linggo habang ang iba naman ay sarado dahil naka isolate dahil na expose sa may COVID-19.
Ipinabatid naman ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyangsighe na dapat magdoble ingat pa rin ang publiko dahil may nakikitaan pa rin ng pagtaas ng kaso ng virus.
Aniya, hindi pa napapanahon para masabing naabot na ang peak ngunit mas mabuting nababawasan natin ang transmission sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa mga minimum health protocols.