Hindi dapat ilimita ang pagbili ng COVID-19 vaccine sa western brands.
Ito ang paalala ng Department of Health (DOH) Undersecretary and National Operations Center Chairperson Myrna Cabotaje, epektibo naman ang lahat ng klase ng bakuna laban sa COVID-19.
Dagdag ni Cabotaje, ipinapakita sa pag-aaral na epektibo lahat ng bakuna at tinitignan na lamang kung gaano katagal ang immunity para sa ibat ibang brands na ito.
Sinabi pa ni Cabotaje, “colonial mentality” lamang ng mga Pilipino ang pagpili ng partikular na brand na ituturok sakanila.
Aniya, nakadepende pa rin ito sa pamahalaan dahil sila ang nakikipagnegosasyon hinggil sa availability ng mga bakuna.
Samantala, giit pa ni Cabotaje na marami pa rin ang gusto ng Russian Sputnik V at ang tradisyonal na Sinovac.