Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga magulang na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga anak ngayong nalalapit na Bagong Taon.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial dapat bantayan ng mga magulang ang mga binibiling paputok ng kanilang mga anak.
Hanggat maaari, sinabi ni Ubial na gumawa na lamang ng mga alternatibong paraan para mag-ingay sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Batay sa tala ng DOH, karamihan sa mga nabibiktima ng paputok ay pawang mga menor de edad.
By Ralph Obina