Muling ipinaalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na bawal pa rin ang mga prayer meetings o malalaking pagtitipon bunsod ng patuloy na pakikibaka ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ginawa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pahayag sa gitna ng pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan ng Islam.
Ayon kay vergeire, naglabas na rin ng memorandum order ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) kung saan pansamantala nitong sinuspinde ang pagsasagawa ng Taraweeh o sama-samang pagdarasal sa mga prayer rooms o Mosque sa buong bansa.
Sa halip, ayon pa sa health official, hinihikayat ang lahat na magdasal sa kanya-kanyang tahanan at manatili sa loob ng bahay sa buong panahon ng ramadan at enhanced community quarantine (ECQ).