Nilabag umano ng Department of Health ang 8.1 Billion Peso contract para sa konstruksyon ng Barangay Health Station o “Tsekap Project.”
Ito ang nabunyag sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography kaugnay sa naunsyaming proyekto na nilagdaan pa noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Atty. Julieann Jorge, spokesperson ng JBROS Construction Company, itinigil nila ang kontrata dahil sa kabiguan ng D.O.H. na tukuyin ang mga lugar na pagtatayuan ng mga Barangay Health Station.
Bigo rin anya ang kagawaran na magbayad ng progress billing sa contractor dahil sa posibleng maling pagkaka-intindi sa probisyon ng kontrata.