Umakyat na sa siyamnapu (90) ang bilang ng firecracker related injuries, dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), pinakamarami ang naitala sa National Capital Region (NCR) kung saan mayroong 18 sa lungsod ng Maynila; 12 sa Quezon City habang 5 sa Mandaluyong City.
Sumunod naman ang western Visayas na may 7 kaso; CALABARZON na may 4 na kaso.
Ipinagmalaki naman ng DOH na mababa ng 39 na porsyento ang kaso ng mga napuputukam ngayong taon kumpara noong 2015.
Hinimok din ng kagawaran ang publiko na iwasan ang pagpapaputok sa halip ay mag-ingay na lamang gaya ng pagpapatugtog sa bisperas ng Bagong Taon o gumamit ng torotot.
By Drew Nacino