Pumalo sa mahigit 9,000 kaso ng tuberculosis o TB ang naitala sa Eastern Visayas noong nakaraang taon.
Ito, ayon sa Department of Health o DOH, ang dahilan kaya pinaiigting nito ang kampanya laban sa naturang nakamamatay na sakit.
Sa ikatlong quarter ng 2015, napansin ng DOH na lumobo ang bilang ng mga tinamaan ng TB na mas marami umano kumpara sa mahigit 7,000 kaso noong 2014.
Ayon kay DOH Regional TB Medical Coordinator Ma. Teresa Caidic, may mga naitala silang relapse TB cases o ang mga hindi nakumpleto ang anim na buwang gamutan.
Nilinaw naman ni Caidic na may mga nadapuan ng sakit na hindi TB ang ikinamatay kundi’y aksidente sa kalsada.
By Jelbert Perdez