Binabantayan ngayon ng Department of Health ang ilang mga lugar sa bansa matapos makitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga lugar na ito ay ang Basilan at Batanes matapos tumaas ang naitalang growth rate ng mga ito.
Gayunman, sinabi nito na bahagya lamang ang pagtaas ng mga kaso ng virus at hindi nagbago ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa naturang mga lugar .
Sinabi pa ng opisyal na nasa minimal risk sa COVID-19 ang lahat ng mga rehiyon sa bansa, na may ADAR na mas mababa sa 1.