Binalaan ng DOH ang mga doktor na magtuturok ng booster shots ng COVID-19 vaccines.
Kasunod na rin ito ng pag amin ni San Juan Congressman Ronaldo Zamora na nakatanggap siya ng apat na doses ng COVID-19 vaccine – dalawang doses ng Sinopharm vaccine at dalawang doses ng Pfizer bilang booster shots.
Binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa inirerekomenda ng local experts ang paggamit ng booster shots.
Ipinaalala ni Vergeire sa mga duktor na sumunod sa mga protocol ng gobyerno kaugnay sa pagbabakuna.
Iginiit ni Vergeire na mayroong emergency use authorization galing sa FDA para sa mga bakuna na kailangang sundin at mapapatawan ng parusa ang sinumang lumabag dito.