Gumagawa na ng mga panuntunan ng Department Of Health o DOH sa pagbabakuna ng mga frontline workers.
Ito’y matapos makipagpulong ang DOH sa mga private sectors kaugnay sa pagpapalabas ng mga guidelines sa publiko.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang ang fourth priority group sa mababakunahan na binubuo ng mga economic frontliners sa essential services pagkatapos ng mga health workers na nasa A1 group.
Habang nasa A2 group ang mga senior citizen at nasa A3 group naman ang mayroong comorbidites.
Samnatala, target ng goyerno na maturukan ng bakuna kontra COVID-19 ang nasa 70 milyong katao sa bansa bago matapos ang taon.— sa panulat ni Rashid Locsin