Bineberipika ng Department of Health (DOH) ang mga ulat hinggil sa mga bakunang dinala sa bahay ng isang pulitiko sa Samar.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa nakakapagsumite ng report ang local health authorities ng samar sa naturang insidente.
Dagdag ni Vergeire, inaalam pa ng mga otoridad kung ang naturang insidente ay totoo bago magbigay ng aksyon ang ahensya.
Gayunpaman, nanawagan si Vergeire sa mga lokal na opisyal na makipagtulungan kasama ang pambansang pamahalaan sa paglulunsad ng bakuna.
Magugunitang, maraming kontrobersiya ang lumabas tungkol sa mga local and national officials na nanguna sa pagbabakuna kahit wala ito sa priority list.
Dahil dito, nagbabala ang World Health Organization (WHO) na bigyang prayoridad ang mga nasa priority list upang hindi magkulang ang suplay ng bakuna sa bansa.