Bini verify pa ng Department of Health (DOH) ang nationality ng pasaherong sakay ng Philippine Airlines Flight patungong Hongkong na una nang napaulat na infected ng monkeypox.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire,nakikipag ugnayan na sila sa Hongkong Ministry of Health matapos inanunsyo ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na ang nasabing pasahero ay sakay ng kanilang PR300 flight noong September 5.
Ipinabatid ni Vergeire na batay sa nakuha nilang initial report ,hindi pa natutukoy ng Hongkong Authorities ang nationality
ng nasabing pasahero kaya’t mahigpit ang koordinasyon nila sa naturang usapin kung saan apat na monkeypox cases na ang na detect ng Pilipinas.
Kasabay nito,tiniyak ni Vergeire ang patuloy at pinalakas na surveillance ng DOH sa monkeypox lalo na sa mga bansang nade-detect ito.