Isa pang coronavirus disease 2019 (COVID-19) laboratory ang binigyan ng go signal ng Department of Health (DOH) para makapag-operate.
Inilabas ng Manila Public Information Office ang inisyung license to operate sa COVID-19 laboratory ng Sta. Ana Hospital na kayang mag proseso ng 200 swab tests kada araw.
Natutuwa ang Manila City Government sa nasabing hakbang ng DOH para mapaigting pa ang mass testing operations ng maynila upang labanan ang COVID-19.
Epektibo ang nasabing lisensya ng ospital bilang COVID-19 laboratory hanggang December 31, 2020.