Muling pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko hinggil sa mga sakit na posibleng makuha sa paliligo sa Manila Bay.
Ayon sa DOH, hindi na ligtas languyan ang manila bay dahil sa sobrang dumi nito.
Ilan sa mga sakit na maaring makuha ay Amoebiasis, Diarrhea at iba pa.
Binigyang diin din ng Manila City Government na mahigpit na ipinagbabawal ang paliligo sa manila bay sa ilalim ng ipinasang ordinansa dito.
By: Ralph Obina