Kinalampag ng ibat-ibang grupo ng healthcare workers ang tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Sta. Cruz, Maynila sa unang araw ng Setyembre.
Kabilang sa mga nagprotesta ang Metropolitan General Hospital Employee Association, all workers unity at iba pang healthcare workers.
Patuloy na isinisigaw ng health care workers ang pagpapalabas ng kanilang mga benepisyo tulad ng Special Risk Allowance (SRA) at COVID-19 hazard pay.
Nakasulat sa mga bitbit placards ng protesters ang mga katagang “DOH panagutin, Secretary Duque patalsikin”
Una nang ipinabatid ng DOH na maaari nang i download ang sra ng healthcare workers sa regional offices ng ahensya na siyang namang mamahagi sa mga nasasakupan nilang healthcare facilities. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)