Bubuo ang Department of Health (DOH) ng iba’t-ibang task group para mangasiwa sa pagpapatupad ng programa sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa mga Pilipino.
Ipinabatid ito ng DOH sa gitna na rin nang hindi mawalang pangamba ng publiko sa bakuna dahil sa kontrobersya sa dengvaxia.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, director ng Health Promotion Bureau kabilang sa mandato ng task groups ay tiyaking regular na naipapaalam sa publiko ang mga impormasyon hinggil sa bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kinailangan nilang magpatupad ng supplemental immunization activities noong 2018 at 2019 dahil sa mababang rate ng pagkabakuna kontra tigdas na napagtagumpayan naman ng DOH dahil dumami ang mga magulang na nagpabakuna na ng kanilang mga anak.
Mangunguna sa pagtugon ang task group on demand generation and communication na pamumunuan ng Presidential Communications Operations Office at Philippine Information Agency.
Sa ilalim naman ng COVID-19 immunization program iba’t-ibang sub task groups din ang tututok para sa pagpaplano, polisiya at technical support, registry, data management at implementation.
Ang Food and Drug Administration (FDA) naman ang hahawak sa sub task group on safety surveillance.