Pinag-aaralan ng Department of Health o DOH ang pagbuo ng isang technical evaluation committee na sisiyasat sa posibleng maging implikasyon ng pagsasalegal ng medical marijuana.
Ayon kay Health Undersecretary for Health Regulation Mario Villaverde, mahalagang busisiing mabuti ang panukalang legalisasyon nito dahil kwestyonable pa ang mga epekto ng raw na marijuana.
Bubuuin aniya ang technical technical evaluation committee ng mga kinatawan mula sa Food and Drug Administration o FDA, Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care at Health Facilities and Services Regulatory Bureau ng DOH.
Pinag-iisipan din ng DOH na hingin ang tulong ng Univesity of the Philippines – Manila na nagpalabas ng position paper laban sa legalisasyon ng medical marijuana.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na tanging ang paggamit ng marijuana para sa medical research at limitado lamang sa mga pasyenteng hindi gumagaling sa mga tradisyunal na gamutan.