Tapos na ang pag-aantay ng mga nurses na maipatupad ang Philipine Nursing Act kung saan nakapaloob ang pagtaas ng kanilang sahod.
Matapos ang 17 taon, kasama na sa inaprubahang national budget para sa 2020 ang mahigit sa P3-billion pondo para sa umento sa sahod ng mga nurses na nasa ilalim ng Department of Health (DOH).
Matatandaan na mismong ang Korte Suprema ang nagsabi na dapat nang ipatupad ang batas kung saan itinataas sa mahigit P30,000 ang entry level para sa mga nurses mula sa kasalukuyang mahigit sa P20,000.