Inilagay na muli ng Department of Health (DOH) ang bansa sa COVID-19 “moderate risk classification” dahil sa patuloy na pagbulusok ng mga bagong kaso.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang bansa ng “negative one-week at two-week growth rate” sa mga nakalipas na linggo.
Nananatili namang “high risk” ang average daily attack rate (ADAR) pero bumaba na rin ito sa 19.93 cases kada 100,000 na populasyon..
Samantala, pagdating sa “healthcare system”, nasa “low risk” naman ito pagdating sa kapasidad, bilang ng mga bakanteng higaan sa pagamutan at isolation centers at ICU beds. —sa panulat ni Mara Valle